Quote from rina on Mar 7th, 2010, 12:55am:sinubukas ko suotan siya ng collar kanina..kinakamot niya palagi pero hinayaan ko muna. paunti-unti patatagalin ko siguro yung collar para lang masanay siya na merong nakasabit sa leeg kapag ilalakad siya. when is it advisable to use chains on a bullmastiff?
by the way, we brought her to my tita's house kanina at hindi sa vet. hay... may nakain siya na dried leaves yata, nagsuka...kawawa naman. when we got home, she looks fine,nanghahabol ng mop, though feeling ko may iniinda siya. unless nanibago lang sa biyahe. kapag kumulit bukas ng umaga i guess she's okay. pero ipapa-check ko pa din siya within this week. ang tapang din kasi magtatalon!! tomorrow isasama pa yata namin sa cavite kasi walang mag-aalaga dito sa bahay. naku! sana okay lang sa pup yun.
Tama yan rina para masanay sya. Use buckle collar para safe sa puppy.

Never ka gumamit ng choke collar sa age ng 1 up to 4 months..

Sanayin mo muna na naka collar sya mga 1 week kasi may ibang pups na kung 1st time nila mag collar may possibility matatakot sila o maiirita pero sa simula lang yan.
Ganyan talaga ang puppy rina mahilig ngumatngat. Playful basta sa ganyang age and iwas lang sa mga small things na madali nilang kagatin at baka makain. Once na makita mo sila na may kinakain kunin mo agad pero wag mo lang silang gulatin.

Based sa experience ko sa mga naging pups ko before once na napagalitan mo sila may ibang pups na natatakot and meron din pasaway kahit pagalitan mo na makulit parin..hehe.. Good sign sa pups kung pasaway kasi hyper ang puppy. Mayabang kung pasaway.

hehehe.. Kung makakain naman sila ng leaves possible magsusuka sila nyan or gusto nila magpoop(kung sa big dogs) pero kung sa puppy laro2 sa kanila yan. Naka experience narin kasi ako nyan sa mga puppy ko before and sa mga big dogs ko ngayon pero its normal. May times sa big dogs ko kumakain talaga ng leaves or anong dahon.. according to my vet sign daw yan na gusto nila magpoop kung hindi sila makapoop kaya kumakain sila just to settle their stomachs. Kung nagsusuka naman ang puppy possible may part sa leaves na nakadikit sa throat nya or masakit ang tyan nya.. Painomin mo ng hydrite sachet para hindi madehydrate ang puppy kung nagsusuka and better pacheck mo nalang agad sa vet para sigurado.

Ok lang yan sa puppy socialize narin nya yan pero wag pagurin.. important parin tulog sa kanila kasi puppy pa yan.. ok lang yan basta makatulog sya kahit nagbbyahe..